Matagumpay na napigilan ng Bureau of Customs ang pagpasok at paglabas ng mga misdeclared agricultural products sa Port of Subic.
Batay sa mapagkakatiwalaang derogatory information na natanggap ng ahensya, nag isyu ang naturang pantalan ng walong Pre-Lodgment Control Order at dalawang Alert Order mula sa kabuuang labinlimang 40-footer container van shipment na sinasabing naglalaman ng frozen lobster balls at frozen. Surimi crab.
Matapos ang isinagawang physical examination sa nasabing shipment ay tumambad sa kanila ang sari-saring sariwang gulay kabilang na ang patatas , karot at broccoli.
Samantala, ang mga nakumpiska na misdeclared agricultural products ay sasailalim sa seizure at forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 1113 in relation to Section 117 ng Customs Modernization and Tariff Act at DA Administrative order 09 Series of 2010, at DA A.O. No. 18 Series of 2000.
Nakatakda namang i turnover ng BOC ang mahahalagfang impormasyon sa Bureau Action Teams Against Smuggling para sa gagawing case build up upang masampahan ng kaukulang kaso ang nasa likod ng naturang smuggling shipment .
Pinurio naman ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kasipagan ng mga tauhan ng Port of Subic sa pangangalaga sa border ng bansa laban sa mga potentially hazardous agricultural products.
Pinuri ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kasipagan ng kalalakihan at kababaihan ng Port of Subic sa pangangalaga sa hangganan ng bansa laban sa pagpasok ng mga potensyal na mapanganib na produktong agrikultura.