-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Positibong nahuli sa entrapment peration na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) Dagupan, ang isang ginang habang patuloy pa ring tinutugis ang asawa nitong isang public shool teacher dahil sa reklamong rape at extortion.

Nag-ugat ang reklamo nang maging biktima ang isang menor de edad na kaibigan pa ng kanilang anak sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, positibong kinilala ni NBI Dagupan chief Rizaldy Jaymalin, ang naarestong suspek na si Maria Louisa Brillantes, common law wife ng isa pang suspek na si Florencio Bagaforo, 50, isang guro ng Pangasinan State University subalit hindi pa malinaw kung saang campus ito nagtuturo.

Napag-alaman na ang biktima na itinago sa pangalang “Ana” ng NBI Dagupan ay kaibigan din ng anak ng mag-asawang suspek, at isang Grade 10 student.

Lumalabas na pinagtulungan umano ng mag-asawa ang biktima kung saan kinikilan pa ng babaeng suspek ang biktima.

Habang ilang beses umanong ginahasa ng guro ang nasabing biktima dahil ginagamit na panakot ang nakuhang hubad na larawan nito na nakuhanan matapos siyang dalhin sa tahanan ng mag-asawang suspek.

Pinagtalik daw ng babaeng suspek ang mister niton at ang biktima sa sarili nitong harapan.

Natuklasan na lamang ayon kay Jaymalin, ang krimen nang umamin na ang biktima na ang hinihingi nitong pera sa kaniyang ina ay ibibigay niya kay Brillantes dahilan upang dumulog na sila sa NBI.

Kumilos naman ang mga otoridad matapos na magpositibo sa eksaminasyon na positibong nagahasa si alyas Ana.

Masuwerte naman aniya na nahuli sa entrapment operation na isinabay sa panghihingi ni Brillantes ng natitirang bahagi ng P5,000 na nauna na nitong hinihingi sa biktima upang hindi umano nito maipakalat ang mga nude photos ng biktima sa internet.

Ayon pa kay Jaymalin, mahaharap sa kasong robbery extortion at multiple counts of rape ang mga suspek.

Nakatakda namang isailalim sa inquest proceedings ang ginang habang at large o tinutugis pa rin ang asawa nitong guro.