GENERAL SANTOS CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang mekaniko matapos nahuli ng isang mister na kasama ang kanyang misis sa loob ng boarding house.
Itinuro ng reklamante na si alias Nilo na isang security guard, 35 yrs.old na residente sa Lim Compound Barangay Lagao,GenSan si alias Ger na isang promodizer sa mall at residente ng Barangay Alegria, Alabel Sarangani Province na siyang kasama ng kanyang asawa na si alias Marites.
Mabilis na kumilos ang dalawa mula sa kama matapos nalaman na nasa labas na ng kanilang kuwarto si alias Nilo.
Bago pa man maabutan ng mister ay nagawa ng makatakas ng misis nito matapos umakyat ng pader habang nagtago naman sa kisame ang kalaguyo nito na si alias Ger ngunit nahuli rin ito ng mga pulis at dinala sa Lagao Police Station.
Ngunit, nagbago na umano ang desisyon ng mister dahil iaatras na nito ang kasong isasampa laban sa asawa at kalaguyo nito matapos nakumbinsi ng kanyang mga anak na patawarin ang kanyang asawa.
Nabatid na si Alias Ger ay may pamilya na rin.