KORONADAL CITY – Determinado ngayon ang isang misis na mahuli agad ang kanyang mister na umano’y nanamantala nang makailang beses hanggang sa nabuntis ang kanilang 11-anyos na batang babae.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Ginang Elena, nais nilang maparusahan agad ang suspek na gumahasa at nanakot sa biktima sa matapos nilang malaman na limang buwan na itong buntis ayon sa resulta ng ultrasound nito.
Sa ngayon nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang biktima dahil nasa Kuwait pa ang ina nito.
Ayon naman sa salaysay ng biktima nagsimula ang pang-aabuso sa kanyang ng sariling ama noog nasa ibang bansa na ang kanyang ina sa kanilang sariling tahanan sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.
Ayon pa sa biktima, nagtaka umano ito dahil pinapatulog ito ng kanyang ama sa isang kuwarto na walang kasama habang ang kanyang mga kapatid ay sama-samang natutulog.
Pagsapit umano ng hatinggabi pinupuntahan ito sa kabilang kuwarto ng kanyang sariling ama at ginagahasa habang nakatutok ang baril.
Tinatakot din umano siya na papatayin ang kanyang mga kapatid kung hindi ito papayag at may pagsasabihan.