-- Advertisements --

ILOILO CITY- Sugatan ang isang mister matapos sinaksak ng kanyang misis sa Calinog, Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si alyas Jun, 53, at ang suspek naman ay ang misis nitong si alyas Lyn-lyn, 49, Barangay Kagawad.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Jose Nemias Pamplona, hepe ng Calinog Municipal Police Station, sinabi nito na nagselos ang mister nang makitang may nakaakbay sa kanyang misis habang isinasagawa ang assembly.

Ayon kay Pamplona, kinompronta ng mister ang kanyang misis at doon na nagwala ang suspek.

Nakita nito ang kutsilyo sa mesa at sinaksak ang kanyang mister na tinamaan sa likod.

Sa ngayon, nagpapagaling na ang biktima habang naka-hospital arrest naman ang asawa matapos sumama ang kanyang pakiramdam.

Hindi na magsampa ng kaso ang mister laban sa kanyang misis.