-- Advertisements --
Screenshot 2020 06 27 09 03 28

KALIBO, Aklan – Naghihimutok na dumulog sa Kalibo Municipal Police Station ang isang 52 anyos na mister makaraang maaktuhang nakikipagtalik sa ibang lalaki ang kaniyang misis sa Barangay Estancia, Kalibo, Aklan.

Ayon kay Ronel Viray, laking gulat niya nang makita ang 39 anyos na misis at kalaguyo nitong si Philip Yeban na kapwa walang saplot pang ibaba at nagtatalik pa.

Una rito, mula umano siya sa palayan na sinasaka kung saan kaagad niyang hinanap ang kaniyang misis ngunit hindi niya ito nakita sa apat na sulok ng kanilang bahay kung kaya’t kaagad niya itong pinuntahan sa bahay ng sinasabing kalaguyo nito.

Sinasabing si Yeban ay matagal nang hiwalay sa kaniyang asawa ngunit may mga anak din ito.