-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Problema sa utang ang pinaniniwalaang dahilan sa pagbigti-patay ng isang ginang sa Habitat, Barangay Pagatpat sa lungsod.

Kinilala ang biktima na si Shiela Palad, residente sa naturang lugar.

Ayon kay Gilda Cabañez, kapitbahay ng namatay, nag-away ang biktima at ang asawa nito dahil umano sa kanilang patong-patong na utang.

Dahil dito, naisipan ng biktima na itali ang isang lubid sa kanyang leeg na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya kung may foul play sa nangyari.