-- Advertisements --
Ibinunyag ng actor na si Matt Evans na naloko ang kaniyang misis na si Katrina Farinas-Evans mula sa kaniyang negosyo.
Ayon sa actor, umabot sa P6 milyon ang halagang nakuha sa kaniya dahil sa pagiging reseller ng mga designer bag at mga alahas.
Dagdag pa nito halos tatlong taon na ang nakakalipas ay patuloy pa rin silang nagrerekober.
Nagsampa na rin sila ng kaso laban sa taong nanloko sa kanilang mag-asawa.
Nagpasalamat din ito sa mga malalapit na kaibigan at kaanak dahil sa pagtulong sa kanila para bahagyang makabangon.