-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuhan ng doktor sa Guimaras na nagpositibo sa COVID-19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jordan, Guimaras Mayor Ruben Corpuz, sinabi nito na nahawaan ng doktor ang kanyang misis ng COVID-19 kung saan agad itong binawian ng buhay.

Ayon sa alkalde, ni-lockdown rin ang pharmacy clinic kung saan nagkaroon ng close contact ang doktor sa mga staff.

Sa ngayon, ang mga pasyente at staff ng pharmacy clinic ay naka-quarantine na matapos sumailalim sa swab test.