-- Advertisements --

Pinatawan na ng contempt ng House Quad committee ang asawa ni dating Presidential Spokeseperson Harry Roque na si Mylah Roque.

Ito ay dahil sa kabiguan pa ring makadalo sa pagdinig ng Quad Committee.

Una rito, nagmosyon si Rep. Stephen Paduano na i-contempt si Ginang Roque.

Kinalauna’y pinagbigyan ito ng komite, at mag-iisyu ng arrest order.

Si Ginang Roque ay inimbitahan ng Kamara para linawin ang kanyang papel sa lease agreement sa Chinese nationals na dawit sa ilegal na POGO sa Bamban, Tarlac.

Kung maalala binanatan ni Mylah Roque si Rep. Ace Barbers dahil inaabuso nito ang kaniyang kapangyarihan.