-- Advertisements --

DAVAO CITY – Laking gulat ng isang 14-anyos na dalagita matapos niyang matagpuang patay ang kanyang mga magulang sa kanilang tahanan sa Purok 1, Lopez Street, Brgy. Aplaya, Digos City, dakong 5:30 ng umaga.

Saysay ng anak sa mga biktima na si Alyas ‘Jessa’, nakita nalang niya ang kanyang ina na si LYZA CAPULI BAJENTING na nakahandusay sa sahig ng kanilang sala. Sa kabilang banda, natuklasan din nito ang kanyang ama na si JAIMELITO ALBO BAJENTING, 50 taong gulang, walang trabaho, na nakabitin sa puno ng niyog gamit ang nylon wire.

Bukod sa imbestigasyon, sinabi ng mga nakasaksi na nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa hindi pa nahahanap na dahilan. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kalunos-lunos na insidente.