-- Advertisements --

Kulong ang isang misis sa England dahil sa umano’y labis na pag-uutos sa kaniyang asawa ng mga gawaing bahay.

Napilitan ang bodybuilder na mister na si Michael Sanders na ipakulong ang misis nitong si Valerie dahil sa sinasabing pagkontrol sa kaniya nito.

Ipinagbabawal kasi sa England ang labis na pagkontrol ng mag-asawa sa isa’t isa.

Matapos na maipakulong, humingi na umano ng kapatawaran ang misis kaya hindi na ipinursige ni Sanders ang kaso.