-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nag-iskandalo ang misis sa isang beach resort sa Arevalo, Iloilo City matapos nahuli ang kanyang mister na nag-check in kasama ang kanyang kalaguyo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Nestor Canong, pinuno ng Task Force on Moral and Values Formation ng Iloilo City Government, sinabi nito na inamin mismo ng manager ng isang beach resort na sumugod ang isang misis matapos makatanggap ng impormasyon na kasama ng kanyang mister ang kanyang kalaguyo.

Ayon kay Canong, labis ang galit ng misis sa nagawang pagtataksil ng kanyang mister.

Napag-alaman na ang nasabing beach resort kung saan nagcheck-in ang mister at kalaguyo nito ay nagpaparenta ng kwarto sa halagang P100 kung saan ang kama ay gawa sa semento at nilagyan ng tiles.