-- Advertisements --

Patuloy pa rin hanggang ngayon ang kaguluhan na nangyayari sa Sri Lanka dahil sa krisis na nararanasan ng mamamayan sa nasabing bansa.

Ayon sa report ng Bombo Radyo international correspondent mula Sri Lanka na si Virginia Perera, medyo kumalma na ngayon ang sitwasyon mula noong umalis ang presidente na si Gotabaya Rajapaska.

Subalit sinabi ni Perera na meron pa ring nagpoprotesta hanggang ngayon hanggang sa tuluyan nga bababa sa panunungkulan si Rajapksa matapos nitong mangako magbibitiw sa pwesto sa July 13.

Sinasabing mismanagement sa mga polisiya ang rason sa brunkrupcy sa nasabing bansa tulad na lang ng organic farming na magdepende lamang sa sariling abono sa agrikultura at hindi tatanggap ng mga imported na mga chemical fertilizer na ang resulta, walang magamit ang mga Sri Lankan farmer.

Dagdag pa nito na makakaapekto sa produksyon ang mga maling polisiya sa gobyerno na kung saan 50% lamang ang matatanggap ng mga magsasaka.

Samantala sinabi din ni Perera na hindi naging madali ang buhay ng mga Pinoy na nasa Sri lanka dahil wala ng sapat na supply sa produktong petrolyo, limitado na ang pagkain, walang imported production, walang gamot para sa may mga sakit at wala ring dollar reserve.