CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatutok ang puwersa ng Police Regional Office 10 sa mga bumubuo na kandidato na nakabase sa lalawigan ng Misamis Occidental na sakop ng Northern Mindanao.
Pag-amin ito ni PR0 10 regional director Brig/Gen Benjamin Acorda Jr kaugnay sa patuloy pa na nire-resolba na sniper attack sa nakaligtas na si incumbent Misamis Occidental 2nd District Rep. Henry Oaminal na kasalukuyan rin na isa sa mga deputy house speaker ng bansa.
Inamin ni Acorda na iniligay ng PNP sa hot spot area ang probinsya dahil iniwasan nito na tataas ang political tension sa pagamitan ni Oaminal na makigtapatan ng puwersa laban kay incumbent Misamis Occidental Provincial Governor Philip Tan sa 2022 elections.
Bagamat sariling hakbang ito ng ahensiya at hindi pa opisyal na ikino-konsidera na Commission on Elections na napabilang nga ang Misamis Occidental sa mga maituturing na hot spot area subalit naniniguro na sila upang pigilan na mayroong magsasamantala sa nangyari kay Oaminal noong Disyembre 22.
Magugunitang sa nabanggit na pangyayari,napuruhan ang kaalyado ni Oaminal na si late vice gubernatorial candidate at Lopez Jaena Mayor Michael Gutierrez dahil sa ulo nito tumama ang bala ng M-16 mula sa lokasyon ng sniper.
Una rin nito,kapwa naghayag sina Oaminal at Tan na wala silang alam sa pangyayari o walang puwang ang pinalutang na ‘sniper me’ scenario dahilan na nasa anim na milyong piso lahat ang nakahandang ibigay ng magkatunggaling panig upang mabigyang hustisya ang pagpanaw ni Guiterrez.