-- Advertisements --

Binatawan na ni Miss Charm Philippines 2023 Krishnah Marie Gravidez ang kaniyang spot sa Miss Charm International pageant.

Ito ang nakakagulat na inanunsiyo ng beauty queen mula Baguio city sa kaniyang instagram account matapos ang maraming beses na konsiderasyon at refection.

Maaalala na kinoronahan si Gravidez bilang Miss Charm Philippines 2023 mahigit isang taon na ang nakakalipas makaraang magtapos ito sa Top 3 ng Miss Universe Philippines 2023 noong Mayo ng nakalipas na taon at humalili kay Annabelle McDonnell na nagwagi bilang 1st runner-up sa unang edisyon ng Miss Charm International noong Pebrero 2023.

Samantala, nagpaabot naman si Gravidez ng taus-pusong pasasalamat sa pambihirang pakakataon na ipinagkatiwala sa kaniya ng Miss Universe Philippines at Miss Charm Philippines.

Isa aniyang karangalan na maging parte siya ng prestihiyosong patimpalak at lubos na nagpapasalamat sa mga karanasan at pagkakaibigang natanggap niya sa kaniyang journey.

Pinasalamatan din ng beauty queen si Miss Universe Philippines Pres. Jonas Gaffud na isa aniya sa best mentors at nagbigay ng kaniyang mahalagang suporta para sa mga desisyon nna kailangan niyang gawin.

Nagpagsalamat din si Gravidez sa kaniyang pageant fans, sa kaniyang supporters na Team strawberries, sa kaniyang Vietnamese supporters at core team na sumubaybay at nag-antay sa kaniyang journey.

Matatandaan na ipinasa na rin ni Gravidez ang kaniyang Miss Charm Philippines title noong Mayo 22 kay Miss Universe Philippines Top 10 finisher Cyrille Payumo mula Pampanga, na una ng kinoronahan bilang Miss Tourism International pageant noong 2019.

Wala pa namang inilabas na official statement ang Miss Universe Philippines Organization, Empire Philippines, Miss Philippines, at Miss Charm pageant kaugnay sa desisyon ni Gravidez na mag-withdraw mula sa international pageant.