-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nanawagan si Miss Earth 2015 Angelia Ong sa publiko na alagaan ang mundo hindi lang ngayong Earth Day kundi araw-araw mismo.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Angelia, sinabi nito na ipinagpatuloy pa rin niya sa ngayon ang kanyang advocacy na 5R o rethink, reduce, reuse, recycle, respect na kanyang sinimulan noong kandidata pa lang siya sa Miss Earth Philippines.

Ayon kay Ong, ang kanyang kampanya na #wewillbecausewecan noong kinoronahan na siya bilang Miss Earth ay may hangarin na magbigay ng inspirasyon at turuan ang mga tao na alagaan ang kalikasan kahit na sa maliit na pamaaraan sa pamamagitan ng online campaign strategy.

Nararapat rin ayon sa Ilongga beauty queen na respetuhin at mahalin ang inang kalikasan kagaya ng pagmamahal natin sa ating mga ina.