BUTUAN CITY – Matagumpay ang immersion community activity ng mga kandidata ng Miss Earth 2019 sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur kahapon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihadayag ni Governor Santiago “Santi” Cane, 30 kandidata ng Miss Earth 2019 mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang bumisita sa nasabing bayan dahil sa Agusan Marsh na siyang pinakamalaking catch basin ng fresh water sa Mindanao at isa sa pimakamalaki din sa Asya na importanteng mapreserba dahil sa naranasan ngayong global warming.
Dinumog ng mga tao hindi lang sa nasabing lalawigan kundi pati na sa Compostela Valley province ang welcome program para sa mga kandidata.
Nagsagawa din sila ng tree planting activity sa Barangay Walo at ang mga kandidata mismo ang nagtanim ng mga seedlings.
Dagdag pa ng gobernador, ang pagka-diversify ang isa sa mga rason na napiling destinasyon ang Lorteo at ipinaranas nila sa mga kandidata ang iba’t ibang practices gaya ng pakikisalamuha sa mga tribu, pagsakay ng habal-habal, bangka, balsa at iba pa.