NAGA CITY – Isang malaking event kung sakaling matuloy ang Miss Earth 2019 sa Naga City ayon kay Mayor Nelson Legacion.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga Kay Mayor Nelson Legacion sinabi nito na hinihintay na lamang nila ang mga dokumento para sa gaganaping Miss Earth 2019 sa lungsod ng Naga.
Ayon sa kanya inaasahan na sa Oktubre 26, 2019 ang tentative na petsa para sa nasabing event na mayroong 70 candidates na manggagaling sa iba’t ibang bansa kabilang na rito ang Pilipinas.
Isinalaysay ni Legacion na dalawang beses na silang nagkausap ng chairman ng Miss Earth at hinihintay nalamang ang mga papeles para matuloy ang nasabing programa.
Una umano nitong nakausap ang organizer ng event noong pangatlong linggo ng July para sa pagpaplano at ng nakalipas na linggo nga ay kinumpirma ng mga ito na sa Naga City nga gagawin ito.
Dagdag naman ng alkalde na kung mangyayari ang nasabing event ito ang 1st international event ng lungosd.
Aniya kailangang kailangang na paghandaan ng lungsod ito katulad na lamang ang lugar.
Gayundin ang paghahanda sa seguridada at convenience ng mga bisita lalong lalo na ang kapakanan ng mga kandidata.