-- Advertisements --

Umuwi na ng Pilipinas ang pambato ng bansa sa Miss Earth na si Yllana Aduana, ngayong araw.

Nagwagi si Yllana sa naturang pageant bilang Miss Earth Air noong December 22, 2023 sa Vietnam.

Suot ng beauty queen ang Miss Earth Air crown at sash, habang iwinawagayway ang watawat ng Pilipinas pagdating sa airport.

Sinalubong ng mga fans ang kandidata dala ang mga lobo at tarpauline na may nakasulat na “Our Queen,” bilang pagpapakita ng lubos na pagsuporta sa pagrepresenta ni Yllana sa bansa.

Samantala, wala pang inilabas ang Miss Philippines Earth organization na line-up ng mga aktibidad na gagawin ni Yllana kasunod ng pagbabalik niya sa bansa.

Photo courtesy from The Philippine Pageantry