BAGUIO CITY – Inspirasyon sa marami ngayon si Miss Earth Malta 2019 Alexia Tabone na nagpapatuloy sa pagbibigay serbisyo bilang nurse at isa sa mga frontliners na kumakaharap sa COVID-19 pandemic.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa beauty queen, sinabi nitong hindi lang basta trabaho ang turing niya sa kanyang propesyon ngayon.
“My job as a nurse is not simply a profession. During this time, it is more than that. We are giving our everything. I’m one of the front liners.”
Inamin rin ng 25-year-old pageant title-holder na kinailangan niya munang lumayo sa kanyang pamilya sa panahong ito para maprotektahan rin ang mga mahal niya sa buhay.
Proud naman ito dahil nakakapaglingkod siya sa kanyang bansa.
“We are sacrificing, basically, because we can’t go to our homes. I had to move out. It is stressful but knowing that I’m giving service to my country makes me happy.”
Mahirap man umano ang kanyang pinagdadaanan ay naniniwala itong matatapos din ang pagsubok na kinakaharap ng mundo. Saludo din ito sa kanyang mga kapwa front liners na patuloy na nakikipaglaban sa coronavirus disease.
“It is very challenging. We have to make sure that we are maintaining our safety. So I would like to thank everyone who is putting themselves in the front line to help other people. We are in need of each other to give support to one another. Please stay safe. Let’s motivate and encourage and empower each other. Together we can try and end this.”
Samantala, ibinahagi nito na walang ipinapatupad na lockdown sa Malta.
Ang tanging mandatory lockdown na ipinapatupad ay para sa mga nakakatanda, sa mga may sakit at ang mga pamilya nito. Ipinag-uutos rin naman umano ng gobyerno ang self-isolation.