-- Advertisements --

Miss Earth swimsuit category

Tatlong araw bago ang coronation night ng 2019 Miss Earth-Philippines, early winner na ang pambato ng San Remigio, Cebu.

Ito’y matapos masungkit ang gold medal sa ginanap na swimsuit competition sa El Nido, Palawan, nitong Biyernes.

Iginawad naman ang silver medal sa Miss Romblon, habang bonze kay Miss Valenzuela City.

Samantala, magpapatalbugan ang mga kandidata sa final talent competition na isasagawa sa isang mall sa Las Pinas mamayang hapon.

Bahagi pa rin ang mga nasabing event sa pre-pageant activities kung saan sasalang pa ang 2019 Miss Earth-Philippines candidates sa iba pang environmental works bago ang finals sa darating na July 10 ng hapon.

Noong nakaraang taon ay ang Fil-Italian beauty na si Celeste Cortesi ang naging kinatawan ng bansa sa Miss Earth pageant kung saan bigo itong maibigay ang back-to-back win ng bansa pero nakaabot hanggang sa Top 8.