-- Advertisements --

Mas pinili na ni 2019 Miss England na ipagpatuloy ang kaniyang tungkulin bilang doktor para sa paglaban sa coronavirus.

Bhasha Mukherjee miss England
Bhasha Mukherjee

Ilang buwan din kasing nagkaroon ng ‘career break’ si Bhasha Mukherjee para sa beauty competition sa Miss World pageant noong Disyembre 2019 kung saan nirerpresent niya ang England.

Sinabi nito na plano niya ang pagsasagawa ng humanitarian work hanggang sa buwan ng Agosto.

Inimbitahan din ang 24-anyos na beauty queen sa Africa, Turkey, India at Pakistan para maging ambassador sa iba’t-ibang charity works.

Sa ngayon ay bumalik ito sa pagiging doctor sa Pilgrim Hospital sa Boston, eastern England.