Trending ang Filipina beauty queen na si Miss Globe 2019 2nd runner up Leren Mae Bautista matapos na ma-feature sa tanyag na Time Square sa New York City.
Malugod na ibinahagi ni Leren sa kaniyang instagram account na bahagi aniya ng Pinay Magazine ang kaniyang digital billboard na na-feature sa Time Square sa New York.
Sa kaniyang post, nagpaabot ang beauty queen ng pasasalamat sa lahat ng nasa likod ng milestone na ito at kaniya ding ibinahagi na noon pangarap lamang niya na makapunta sa New York para mag-perform at ipakita ang kaniyang talento.
Kapag dumating na aniya ang tamang panahon, papayagan ito ng Universe.
Hindi rin nakalimutn ng beauty queen na pasalamatan ang Diyos sa lahat ng mga blessing sa kaniyang buhay.
Ibinahagi rin ng Binibining Pilipinas sa kanilang Facebook post ang Time Square stint ng beauty queen na may caption na #IAmFilipina at #IAmBinibini
Nauna ng na-feature sa Time Square, NYC ang Filipino celebrity artists na sina Nadine Lustre at James Reid.
Si Leren Mae Bautista ay isang Filipina beauty queen titleholder ng mga prestihiyosong beauty pageant gaya ng Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International 2015 at Binibining Pilipinas Globe 2019.
Noong taong 2015, naging kinatawan din ng Pilipinas si Leren sa Miss Tourism Queen of the year International kung saan siya ang nanalo at sa Miss Globe 2019 pageant kung saan kinoronahan siya bilang second runner up. (with reports from Bombo Everly Rico)