Life goes on para sa aspiring beauty queen na si Han Lay, ang pambato ng Myanmar sa nalalapit na 8th Miss Grand International.
Ito’y sa kabila ng kinasangkutan niyang wardrobe malfunction kung saan aksidenteng sumilip ang kanyang utong sa gitna ng pagrampa sa idinaos na swimsuit competition.
Katunayan sa kanyang Instagram account, pawang good vibes pa rin ang kanyang mga bagong post.
Nabatid na medyo revealing ang two-piece swimsuit na ipinasuot sa 63 official candidates ng Miss Grand International.
Pero sa naging sitwasyon ng 20-year-old beauty queen mula sa Myanmar, dahan-dahan na lamang nitong itinaas ang kaliwang bahagi ng kanyang bikini top na bumaba.
Ang Myanmar bet ang isa sa mga paboritong kandidata, at makakatunggali rin ng ating pambato na si Samantha Bernardo.
Samantala, kagabi ay nag-showdown ang mga kandidata ng Miss Grand International sa national costume competition kung saan ibinida ni Samantha ang gown na hango mula sa Philippine Eagle.
Kasama nito ang mula sa Indonesia, Mexico, Cambodia, at Paraguay.
Sa ngayon ay pasok na ang Miss Philippines sa Top 5 ng swimsuit finalist matapos pinakawalan ang tinatawag na granada walk.
Gaganapin ang coronation sa Bangkok, Thailand sa Sabado, March 27, kasabay ng Earth Hour.