-- Advertisements --

Binuksan na ng Miss Grand Philippines (MGPH) ang kanilang pagtanggap ng aplikasyon para sa pageant ngayong taon.

Ayon sa social media page ng nasabing beauty pageant na dapat ay nasa edad 18 hanggang 28 ang maaaring sumali.
Mayroong 5’4″ ang taas at sila dapat ay Filipino citizens.

Bukod sa form ay dapat magsumite ang mga interesadong contestant ng kanilang full body, swimsuit at headshot photos.

Ang magwawagi ay siyang magiging pambato ng Pilipinas sa Miss Grand International pageant na papalit mula kay Isabella Menin ng Brazil.