-- Advertisements --

Inanunsiyo na ng organizers ng Miss Grand Philippines ang kanilang pageant finals.

Ayon kay Arnold Vegafria ang namumuno sa ALV Pageant Circle na gaganapin ang coronation night sa Setyembre 29 sa Newport Performing Arts Theater sa lungsod ng Pasay.

Una ng itinakda ang pageant noong Agosto isang buwan matapos ang Miss World Philippines pageant.

Sa darating naman na Setyembre 18 ay gaganapin ang official schedule ng selection at presentation ng kandidata.

Ipapasa ni Nikki De Moura ang kaniyang Miss Grand Philippines crown sa mapipiling magwawagi.