-- Advertisements --
Nakabalik na sa Pilipinas si Cinderella Obeñita matapos na masungkit ang Miss Intercontinental 2021.
Sa kaniyang Instagram ay nagpost ito ng larawan matapos ang pagdating sa Mactan-Cebu International Airport.
Sasailalim muna ito ng mandatory quarantine sa Cebu matapos ang pageant na isinagawa sa Egypt.
Magugunitang si Obeñita ang pangalawang Pinay na nakakuha ng korona na ang una ay sa pamamagitan ni Karen Gallman noong 2019.