-- Advertisements --

Nanganak na si Miss Intercontinental 2021 Cindy Obeñita.
Sa isang post online, ibinahagi ng beauty queen ang kanyang birthing story, na inilarawan niya bilang isang “unexpected turn.”
Ani Cindy, mula sa simula hanggang sa emergency C-section, ang mahalaga lang para sa kanya ay ang ligtas na pagdating ng kanyang sanggol.
Una naman sa listahan ng mga taong pinasalamatan ni Cindy ay ang kanyang kasintahang si Henri Lopez.
Lalo raw naging espesyal ang pagdating ng baby niya dahil literal na nandiyan ang kasintahan para alalayan at alagan siya.