-- Advertisements --
Nakatakdang ibenta sa auction ang Mikimoto tiara-crown ni 1970 Miss International Pinay beauty queen Aurora Pijuan.
Magsisimula ang online auction ng Leon Gallery mula Hulyo 20-21.
Gawa ng kompaniyang Mikimoto ang nasabing korona na ito ay isinuot ni Pijuan nang magwagi sa pageant na ginanap sa Osaka, Japan.
Si Pijuan ay siyang pangalawang Filipina na nakakuha ng titulo na sumunod kay Gemma Cruz Araneta.
Umaasa ang nasabing online auction na papalo sa mahigit P1-milyon ang nasabing presyo ng iconic pearl-encrusted gold crown.