-- Advertisements --

Tuluyan ng kinansela ng organizer ang Miss International pageant ngayong taon dahil sa global coronavirus pandemic.

Miss International
Miss International/ FB image

Mismong ang International Cultural Association (ICA) sa Tokyo, Japan ang organizer ng taunang beauty pageant ang nagdesisyon sa pagkansela ng nasabing pageant.

Ito na sana ang ika-60th edition nito na gaganapin sana sa Oktubre 29.

Ayon sa organizer na gagawin na lamang ang nasabing pageant sa 2021 pagkatapos ng Tokyo Olympics at Paralympics.

Dahil sa kanselasyon ay magiging pinakamatagal na reigning Miss International titleholder sa kasaysayan si Sireethorn Leearamwat ang panalo sa pageant noong 2019.

Siya rin ang kauna-unahang Thailand na nanalo ng titulo.

Nakuha nito ang titulo noong Nobyembre 12, 2019 sa Tokyo Dome City Hall kung saan tinalo niya ang 83 na iba pang mga beauty contestants.

Bago pa man si Leearamwat ay naging pinakamatagal na Miss International reigning beauty queen si Ingrid Finger ng Germany noong 1965.

Nakansela kasi ang pageant noong Agosto 13, 1965 sa Long Beach, California at ito ay itinuloy noong Abril 29, 1967 na umaabot sa isang taon at walong buwan na nahawakan nito ang titulo.