-- Advertisements --

Tinanggal na ng bansang the Netherlands ang kanilang Miss Netherlands beauty pageant.

Ayon sa organizers, napapanahon na para sa pagbabago at mayroon na silang ipapakilalang bagong inisyatibo para sa ma-inspire ang mga kabataan.

Ang hakbang ay matapos ang isang taon ng kanilang koronahan ang kauna-unahang trans woman na si Rikkie Kkolle bilang panalo.

Ipapalit nila sa kumpetisyon ang “No Longer of ThisTime” na platform na umiikot sa mental health, social media, diversity, self-expression at iba pa.

Wala ng mga korona pero may kuwento na magkokonekta, walang mga gown pero mayroong pangarap na maisasakatuparan.