Ibinunyag ni Italy Mora ng Panama ang tunay na dahilan ng kaniyang pag-atras sa 73rd Miss Universe pageant.
Sa social media account ng Miss Panama Organization na tila pinabayaan ng organizer ng Miss Universe pageant ang kanilang pambato.
Wala umano itong sariling kuwarto at kasama ang ilang katao na hindi naman kasali sa pageant.
Bukod pa dito ay wala umanong official makeup artists ang itinalaga sa kaniya.
Dagdag naman ni Mora na isinama niya ang nobyong si Juan Abadia kung saan sinagot niya ang ilang gastusin gaya sa makeup at sa kuwarto.
Naabutan ng pageant staff ang dalawa na magkasama sa kuwarto na ito ay ipinagbabawal kaya ipinaubaya na lamang ni Mora sa organizers ang maaaring kaparusahan para sa kanya.
Laking gulat na lamang ng 19-anyos ng kausapin ang mga opisyal ng Miss Universe at sinabi na lamang ang kaniyang pag-atras.
Hindi na naghanap pa ng kapalit ang Panama na isasabak sa Miss Universe 2024.
Nasa halos 130 na mga kontestants ang magtatagisan para makuha ang korona na nakuha noong nakaraang taon ni Sheynnis Palacios ng Nicaragua.