NAGA CITY – Handang handa na umano ang pambato ng Pilipinas para sa Miss Philippines Earth 2019.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Janelle Tee, ibinahagi nito ang kanyang inspirasyon sa pagsali sa naturang pageant kung saan sinasabayan daw niya ito ng taimtim na panalangin at paghingi ng gabay sa Diyos.
Kwento ni Tee, bata pa lamang siya ay pangarap na niyang makabilang sa isang international pageant kung kaya positibo aniya siya sa kanyang “purpose at vision” sa pag-abot sa korona para sa naturang patimpalak.
Aniya, ito na ang kanyang huling tiyansa na patunayan ang sarili sa mga Pilipino at sa buong bansa.
Naniniwala rin si Tee na itinakda ang kompetisyon na ito sa kanya ng Diyos kung kaya gagawin aniya ang lahat ng makakaya para maitaas muli ang watawat ng Pilipinas.
Samantala mamayang gabi, nakatakdang isagawa ang Miss Earth Flora 2019 sa Jesse M. Robredo Coliseum, Naga City, isa sa mga segment ng naturang prestihiyosong pageant.