-- Advertisements --
image 210

Nagbabalik teatro ang Tony-winning star na si Lea Salonga sa London kasama si Bernadette Peters at pangungunahan nila ang ‘Stephen Sondheim’s Old friends sa West End sa loob ng 16 weeks simula sa buwan ng setyembre.

Ayon kay Lea, hindi na umano siya makapaghintay na masimulan ito dahil ito rin ang kauna-unahang pagkakataon niya na makabalik sa stage sa London after 27 years.

Matatandaan na ang kanyang huling palabas sa West end ay ang musical theater na Les Miserables kung saan ginampanan niya si Eponine sa Palace Theater noong 1996.

Samantala, itatanghal naman ang “Old Friends” mula September 16, 2023 hanggang January 6, 2024 sa Gielgud ayon sa broadway.