February 25, 2024 sa Chater Road, Hong Kong. Ginanap kanina ang The Second Cordillera Flower Festival, MISS SEASON OF THE BLOOM sa pamumuno ni Ms Gemma Laltoog PRESIDENT ng Cordillera Womens Club. Nilahokan ng mga contestant mula sa ibat ibang Bayan ng Cordillera at mga Kababayan nating Resedente at OFW sa Hong Kong na kung saan ay nagkaroon ng mga iba’t- ibang Cultural Ethnic Dance and Beauty Contest.
Nanalo sa mga nasabing pa contest ay ang mga sumusunod;
- Street Dancing Competition: Winner: Benguet
- Cultural Competition:
Winner: Kalinga - Pageant Competition:
Queen: Ms Ifugao - First Runner- Up: Kalinga,
- Second Runner Up: Ms Baguio
- Third Runner Up: Abra
Naiuwi naman ng mga taga Ifugao na si Miss Ifugao Melowin Banguiyao ang titulong MISS SEASON OF THE BLOOM 2024.
Sa nasabing Programa at Ethnic Cultural Ethnic Dance and Beauty Contest ay naging GUEST OF HONOR AND SPEAKER ang ating mahal na Assistant Labor Attache na membro din ng Grand Hong Eagles Club ng The Fraternal Order of Eagles na si HON. ANTONIO VILLAFUERTE ng DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS HONG KONG at ang ating OWWA Officer HON. Marilou M. Sumalinog na isa ding Guest Speaker.
Isa sa mga Hurado ng Cultural at Beauty Contest ay si Riche Ribusa na Club Secretary of the Bagong Bayani-Hong Kong Executive Eagles Club-NCR X kasama ang mga Lady Eagles Cub ng Bagong Bayani na pinamunoan ng Lady Eagles President Marites Cruz ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated.
Natapos ang nasabing Cultural at Beauty Contest sa ganap na Alas 5:00 ng hapon na may Themang “ Rekindling to Strengthen the Cultural Integrity to a Peaceful Community”.
Bombo Report:
Marlon De Guzman
Bombo International Correspondents-HONG KONG