-- Advertisements --

Gaganapin sa bansang Poland ang Miss Supranational 2025 pageant sa buwan ng Hunyo.

Ang nasabing anunsiyo ay matapos ang mahigit isang taon ng makoronahan si Tarah Valencia bilang pambato ng bansa sa nasabing international beauty contest.

Si Valencia na nagtapos ng tourism management sa University of Baguio ay naging third runner-up din ng Miss Universe Philippines pageant noong Mayo.

Ang kaniyang pagkapanalo ay naging kuwalipikado siya para sa national title sa ilalim ng sister’s brand na Miss Philippines.

Nakatanggap din ito ng appointment na maging representative ng bansa sa 2025 Miss Supranational pageant.