-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Inalala ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Grayang pagkakasungkit ng korona sa prestihiyosong pageant.

Dalawang taon na ngayon ng mai-uwi niya ang ika-apat na korona para sa Pilipinas kung saan unang naipresenta ang lalawigan ng Albay sa Binibini stint.

Sa social media account ni Catriona, nagpost ito ng video ng mismong coronation kung saan makikita ang kasiyahan ng mga supporters at fans.

Kasabay nito ang pagpapasalamat ni Cat sa mga magulang sa pagsuporta at pagmamahal sa kanya na rason upang maabot kung ano ang estado niya ngayon.

Kung babalikan, sa naturang pageant sumikat ang slo-mo twirl, lava walk at magagandang gown kabilang na ang isinuot sa evening gown na inspired ng lava sa Bulkang Mayon.

Sa kasalukuyan, busy si Cat sa kaniyang showbiz commitments at charitable works sa pagiging ambassadress ng mga advocacy groups at music career.