Binigyang-diin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kahalagahan ng swab testing ngayong may kinakaharap ang buong mundo na krisis dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Gray na sumailalim uli ito sa swab test hindi lamang para pangalagaan ang kanyang sarili kundi pati na rin ang komunidad.
Ayon sa Filipino-Australian beauty queen, mahalaga ang COVID-19 testing para matukoy, magamot ang mga kinapitan ng deadly virus at makatulong na rin sa pagpapababa ng mga kaso ng sakit sa bansa.
Noong nakaraang linggo lang kasabay ng pagiging ambassador niya ng Philippine Red Cross, nang aminin ng 26-yera-old Bicolana beauty na hindi talaga komportable sa pakiramdam ang pagsailalim sa swab test.
Gayunman, wala aniyang dapat katakutan sa anomang magiging resulta ng COVID test dahil magiging daan ito upang malaman ang mga dapat na maging hakbang sakaling magpositibo.
“It’s nothing to be feared, it’s just slightly uncomfortable, but having that sureness, knowing your result allows you to take proper actions to protect yourself and to protect the people around you,” saad nito.