Mainit pa rin na sinalubong ng kanyang mga kababayan sa Mexico si Miss Universe 2020 Andrea Meza.
Ito’y bagama’t halos dalawang buwan na ang lumipas mula nang masungkit ni Meza ang pangatlo nilang korona ng Miss Universe.
Nitong May 17 nang idaos ang 69th edition ng Miss Universe sa Florida at kakauwi pa lamang ng 26-year-old beauty queen.
Narito ang “winning answer” ng Miss Mexico sa ibinigay na paksa bilang final statement:
“We live in a society that more and more is more than advanced, and as we advance as a society, we’ve also advanced with stereotypes,” she said. “Nowadays beauty isn’t only the way we look. For me, beauty radiates not only in our spirit, but in our hearts and the way that we conduct ourselves. Never permit someone to tell you that you’re not valuable.”
Naging pambato ng Pilipinas si Rabiya Mateo na nagtapos hanggang sa Top 21.
Noong nakaraang linggo kasabay ng unang araw ng Hulyo nang makauwi na rin sa bansa si Rabiya at patapos na sa kanyang 10 araw na quarantine.