-- Advertisements --

Naging abala agad si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu sa kanyang advocacies, isang araw mula nang dumating sa bansa kagabi.

Ngayong araw ay pinangunahan ng 22-year-old Indian beauty queen ang forum na may temang “Period Pains: Tackling the Challenges of Menstrual Equity” sa isang hotel apartment sa Lungsod ng Pasay.

Mga youth advocates ang karamihan sa kanyang audience.

Layunin ng kanyang pagtalakay sa naturang kalagayan ng mga kababaihan ay maipalaganap ang kaalaman sa kahalagahan ng menstrual health at menstrual hygiene management sa bansa.

Nabatid na gamit ang 12-seater private plane, personal pa siyang sinundo ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor “Chavit” Singson sa India kasama ang mga tauhan ng Miss Universe Organization.

Ang pagdating ni Harnaaz ay ilang araw bago ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 sa darating na April 30 sa MOA Arena kung saan siya ay special guest.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay darating na rin sina Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France at 2017 Miss Universe Demi-Leigh Tebow ng South Africa na silang makakasama bilang host ng 2015 Pinay Miss Universe na si Pia Wurtzbach.