-- Advertisements --

Nagpapasalamat si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ng India na suportado pa rin siya ng Miss Universe Organization sa gitna ng pagdagdag ng kanyang timbang.

Nabatid na mag-aapat na buwan pa lamang bilang Miss Universe ang 22-year-old student/model pero nakaranas na ng body shaming o yaong nilalait ang kanyang pisikal na kaanyuan.

Sa partisipasyon nito sa Lakme Fashion Week na ginanap sa Mumbai, unang pagkakataon na ipinagtapat ni Harnaaz na tumaba siya dahil sa tinatawag na Celiac disease.

Ito umano ay isang immune disorder na epekto ng mga pagkaing may mataas na gluten.

“Nobody knows about my Celiac disease. That I can’t eat wheat flour and many other things,” rebelasyon ni Haznaar.

Sa kabila nito, tiniyak daw sa kanya ng MUO na hindi kukunsintihin ang anomang uri ng pambu-bully.

Maging ang Pinay 2018 Miss Universe na si Catriona Magnayon Gray ay inalmahan din ang body shaming laban sa kapwa beauty queen.

Kung maaalala, ka-batch ng Miss India sa 70th coronation ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados na nagtapos sa Final 5.