-- Advertisements --
Usap-usapan sa online world kung nasa Pilipinas muli si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.
Ito’y dahil sa magkasunod na pahiwatig ng 25-year-old Fil-Australian beauty sa pamamagitan ng tinatawag na IG story.
Sa unang post ng Bicolana beauty nitong April 8, nakasaad na siya ay “home bound” at ilang oras lamang ay nag-post naman ito ng “home.”
Nabatid na nagsimula na ang ilang aktibidad para sa 40 official Binibining Pilipinas candidates ngayong taon.
Gayunman, wala pang “say” kung personal bang ipapasa ni Gray ang kanyang Binibining Pilipinas-Universe crown sa darating na June 9 big night.