-- Advertisements --
Beatrice hot picks
(C) Missosology

Nagpapadagdag ngayon sa excitement ng mga Pinoy beauty pageant fanatics ang pagiging kabilang ni Beatrice Luigi Gomez sa “frontrunners” o yaong nasa “hot picks” na masungkit ang 70th Miss Universe crown.

Tulad na lamang sa pageant site na Missosology, pang-walo sa kanilang ranking ang pambato ng Pilipinas habang una sa listahan nila ang Miss Paraguay.

Pumangalawa naman sa kanilang “taste” ang kandidata ng Colombia, sinundan ng India, Spain at Venezuela.

“The astounding number of frontrunners is truly breathtaking and that makes our core group of correspondents and experts pretty much on the edge. While it is true that it is still early in the game to make any definite predictions, many candidates have already displayed their superior prowess upon arrival in Israel,” saad ng Missosology.

Nabatid na sumalang na sa closed door-interview ang 80 Miss Universe candidates, bago ang National Costume Show at preliminary competition.

Noong nakaraang taon, nasa Top 3 ng nasabing pageant website ang Filipina-Indian na si Rabiya Mateo, na kung maaalala ay nagtapos lamang sa Top 21 noong coronation.

Samantala, Kompleto at kasalukuyan na umanong naka-quarantine ang mga bumubuo sa panel of judges ng 70th Miss Universe.

Miss U final selection committee
@missuupdates photo

Tulad sa nakaraang coronation nito lamang Mayo, all-female panel of judges muli ang napili ng Miss Universe Organization kabilang ang Pinay actress na si Marian Rivera-Dantes.

Narito ang kompletong selection committee:

Brazilian supermodel Adriana Lima

Urvashi Rautela (Miss Universe India 2015 turned Bollywood actress)

Lori Harvey (model & Steve Harvey’s daughter)

2016 Miss U Iris Mittenaere, (now host & model)

Adamari Lopez (actress/host)

Marian Rivera (actress/model

1976 Miss U Rina Mor-Goder (born Messinger) from Israel, now a lawyer/writer

Rena Sofer (actress)

Cheslie Kryst, (host/Miss USA 2019)

Nabatid na itinuturing ni Iris ng France ang Pilipinas bilang kanyang pangalawang tahanan dahil dito siya kinoronahan ng Pinay ding si Pia Wurtzbach noong 2016.

Sa kabilang dako, magpi-perform sa Miss Universe stage ang international pop star na si Noa Kirel at multi-platinum artist na si Jojo.

Sa darating na December 13, Manila time, ipapasa na ni Andrea Meza ng Mexico ang Miss Universe crown na magaganap sa Eilat, Israel.