-- Advertisements --

Naniniwala ang national director ng Miss Universe Philippines na si Shamcey Supsup na “standout” pa rin ang naging performance ni Rabiya Mateo sa idinaos na National Costume Show ng 69th Miss Universe sa Seminole Hard Rock & Casino sa Hollywood, Florida.

Pahayag ito ng Pinay Miss Universe 2011 third runner-up, kasunod ng pag-amin na may kulang sa inirampa ni Mateo sa kanyang national costume, partikular ang head dress o ‘yaong accessory para sa ulo.

Kahit aniya special delivery pa nito sa pagbiyahe sa Florida ang binansagan na “missing masterpiece” sa national costume, ay nahuhulog kasi ito noong suotin ni Rabiya.

Ayon kay Supsup, nalulungkot din naman sila pero mas mahalaga ay kung saan komportable ang pambato ng Pilipinas.

“Unfortunately it was nahuhulog so it’s hard for her (Rabiya) to wear it so we decided na kung saan siya komportable because mabigat na rin kasi yung wings niya in the first place,” saad nito sa ABS-CBN.

Rabiya national costume
Rabiya’s IG account

Dagdag nito, “So sad na hindi niya nasuot but still Rabiya was able to give us a powerful performance.”

Una kanina sa Miss Universe stage, inirampa ng 24-year-old half Indian beauty na tubong Iloilo, ang national costume na hango sa bandila ng Pilipinas.

Pinaghalo ito na kulay asul at pula mula sa kanyang high heels, main outfit, at ang mabigat na dambuhalang pakpak.

Gazini coronation national costume
Gazini Ganados wearing her national costume during Miss Universe 2019

Kung maaalala, sa Miss Universe 2019 o bago nagka-coronavirus pandemic, nasungkit ng Pilipinas sa pamamagitan ni Gazini Ganados ang best in national costume.

Isa itong eagle-inspired sa headpiece, habang may dalawang ibon sa sleeves ng damit.