Patok sa iba’t ibang social media ang video ng back-to-back sayawan nina 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo at dating SexBomb lead dancer na si Rochelle Pangilinan.
Ayon kay Rochelle, may nag-request kasi na sumayaw sila ng magiging kinatawan ng bansa sa Miss Universe, bagay na hindi naman inurungan ni Rabiya.
Sa Instagram, ibinahagi ni Rochelle ang pakikipagsabayan ng half Indian beauty mula Iloilo sa kanilang showdown version ng “Spaghetti.”
Kabilang pa sa hit dance craze na pinasikat ng iconic all-female dance group ang “Bakit Papa”, “Halukay Ube” at iba pa.
Si Rabiya ang unang nakoronahan sa hiwalay na Miss Universe Philippines franchise at tatangkain maibigay sa bansa ang pang-limang korona.
Unang lumabas ang impormasyon na sa Miami, Florida umano ang magiging host ng 69th Miss Universe kasanay ng Valentine’s Day sa February 2021.
Gayunman wala pang official announcement mula mismo sa Miss Universe Organization.