Nilinaw ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na nirerespeto nito si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y sa kabila ng kanyang hindi pagsang-ayon sa naging pahayag ni Digong noong nakaraang buwan na hindi pambabae ang trabaho bilang Pangulo ng isang bansa.
Ayon half Indian beauty mula Iloilo, hindi magiging hadlang ang emosyon ng babae para mamuno.
Katunayan aniya ay dalawang babae na ang naging Pangulo ng Pilipinas- ito ay sina
“Cory” Aquino, (1986-1992) at si Gloria Macapagal-Arroyo (2001-2010), bagay na patunay na kaya rin ng mga ito ang leadership skills ng mga kalalakihan.
Tanong ng isang netizen: “President Duterte recently made a remark that the presidency was no job for a woman because of the emotional differences to men. What are your thoughts on this?”
“In our country, we already have two female leaders and by doing that, women are as capable as men in handling a nation,” saad nito sa Missosology YouTube channel.
Binanggit din ni Rabiya ang magandang ehemplo na ipinamalas ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na hinangaan ang paghawak sa kaso ng pandemic sa kanilang bansa.
“I just wanna give an example of what happened in New Zealand in conquering COVID virus, in which their female leader was able to nurse a newborn, but at the same time, she was able to become a mother to her land.”
Sa limang milyong populasyon kasi ng New Zealand, 2,300 kaso ng coronavirus lamang ang naitala at 25 ang nasawi mula nang magsimula ang pandemya, isang taon na ang nakalilipas.
Una rito, inihayag ni Pangulong Duterte na ayaw niyang sumunod sa kanyang yapak ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio dahil hindi biro ang pagdadaanan nito.
“My daughter, inuudyok naman nila. Sabi ko my daughter is not running. I have told Inday not to run kasi naawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko,” ani Duterte sa talumpati kasabay ng inauguration ng Skyway Stage 3.
Si Rabiya ang unang nakoronahan sa hiwalay na Miss Universe Philippines franchise at tatangkain maibigay sa bansa ang pang-limang korona.