NAGA CITY – Tila nabuhayan ang mga botanteng naghihintay na makaboto sa pagdating ni Miss Universe-Philippines 2017 Rachel Peters kasama ng kasintahan nitong na si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.
Pasado ala-1:30 ng hapon nang dumating ang magkasintahan sa Rodriguez Elementary School sa Barangay Pili, Camarines Sur, kung saan ang mga ito bomoto.
Hindi naman nagkaroon ng aberya ang vote counting machine kung saan naging madali lamang ang pagboto ng dalawa.
Pagkalabas ng polling precinct, agad pinagkaguluhan ng mga tao ang 27-year-old Fil-British beauty queen at game naman itong nagpa-picture.
Samantala, ayon kay Villafuerte, natagalan silang makapunta sa presinto dahil nagdasal muna ito bago bomoto.
Ayon sa gobernador, ipinapasakamay na niya sa Diyos at ng mga tao ang desisyon sa halalan.
Si Villafuerte ang kalaban ni CamSur 1st District Rep. Rolando “Nonoy” Andaya sa pagkagobernador sa lalawigan.