-- Advertisements --

Nilinaw ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na isinasapinal pa ang posibilidad pa lamang na pagkakaroon nito ng unang pelikula sa Hollywood.

Ayon sa 24-year-old half Indian beauty , nagkausap nga sila ng “The Young Messiah” director na si Noah Nowrasteh na plano raw mag-taping dito sa bansa at ang puwede niyang maging papel.

“They were planning to shoot something here in the Philippines and they were looking for a woman to play the lead role, so they laid out the storyline as well as a possible role for me, but nothing is for sure. But hopefully, we never know, my first movie could be a Hollywood movie,” saad nito sa Unang Hirit.

Kamakailan lang nang marami ang mag-akala na ang kasama ni Mateo sa larawan bago umuwi sa Pilipinas, ay ang kanyang Indian na ama, pero ito pala ay si Nowrasteh.

Rabiya homecoming

Gayunman, wala pang “say” ang first ever Miss Universe Philippines kung nagtagumpay ba ito sa target na mahanap ang ama na sinasabing nagtatrabaho sa Amerika.

Nabatid na pang-huling araw na ng kanyang quarantine si Rabiya sa isang hotel sa Makati, at inaasahan ang kanyang homecoming sa Iloilo sa mga susunod na araw.

Dati nitong nabanggit na isa sa prayoridad niya ay ang ayusin ang relasyon sa nakahiwalayang long time non-showbiz boyfriend.