-- Advertisements --

Halos 10 araw na lamang bago ang Miss Universe 2020 coronation, ramdam na ng pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo ang aniya’y “good pressure.”

Kasabay nito ay ibinunyag ni Rabiya na baon nito sa pagtungo sa Amerika, ang isa sa mga ginamit na hikaw ng kababayang si Pia Wurtzbach noong manalo bilang Miss Universe 2015.

“Wala namang masama, I asked her kung ano pwede niyang ipahiram. So ‘yun ang agimat na dala-dala ko,” saad nito sa ABS-CBN.

Binigyan pa aniya siya ng pangatlong Pinay Miss Universe ng ilang tips, gaya ng iwasan muna ang social media para hindi magulo ang inner peace.

Nabatid na isyu sa social media ang “racist comments” laban kay Miss Canada Nova Stevens, dahilan upang personal na mag-sorry sa kanya si Rabiya.

Maging si Amanda Obdam ng Thailand ay naging target din ng panlalait ng ilang Pinoy pageant fans.

Sa darating na May 17 (Manila time), tatangkain ng 24-year-old half Indian beauty na tubong Iloilo, na masungkit ang pang-limang Miss Universe crown.